Yan ang aking ginagawa ialng araw na ang nakakaraan...
Nung isang araw, naglalaway ako sa Mais con Yielo. Kaya pagkatapos kong makipag buno sa BIR, sinadya ko pa ang Jollibee sa katapat upang maka higop ng malamig na matamis. Syempre, masama daw mag matamis ng gutom...kaya nag Jolly Hotdog muna ang beauty ko.
Nung kinagabihan ding yon, Halo-Halo naman ang trip ko. Parang di na ako nabusog ano? Kaya pinabili ko si "inday" sa clubhouse (kahit umuulan ulan...kasi siguro gusto din nya! hehehe), ngunit, dadapwat...di pala sila nagtitinda ng halo-halo. (sa kathang isip ko lang pala nung minsan napansin ko na may tinda sila doon)
Hindi pa natatapos dyan....
Kung walang halo-halo...sige na nga ice cream nalang. Niyaya ko ang aking prinsesita upang lumabas at bumili ng ice cream. Ngunit, dadapwat, kumulog ng malakas...natakot ang beybi. Kaya napurnada nanaman ang aking katakawan.
Hmmm....at isa pang hmmmm....
Halungkat dito...bukas ng ref. Presto, alam ko na ang kakainin ko!
Nagtimpla ako ng kape (tag ulan na po kaya ok lang), tapos nilagyan ko ng isang kutsarang Cocoa Powder. Whoala! Meron na akong mainit na Mocha. Tapos, may mga biskwit na Marie (opo, yung biskwit na pangbata) sa kasuluk-sulukan ng ref. Kinuha ko, kasabay ng bote ng peanut butter. Pinalaman ang peanut butter sa Marie...sabay higop ng mainit na Mocha. Ang sarap!!!!!!
Ngayon...naiisip ko ulit ang ice cream. Pababa na sana ako upang bumili, sabay bumuhos ang ulan. Napurnada nanaman si Double Dutch!
Di kaya, pagkatapos nyo basahin ito e lumikha sa imahinasyon nyo na may taglay akong katakawan? Inaamin ko yan...pero sa mga keyk at matatamis lang. (pwera lapit ang diabetis!)