Monday, October 24, 2005 : habang nasa mass...

kwento ko lang what happened to jezka habang nasa mass kami kahapon.

nag ma-mass kasi kami sa parish church na malapit sa amin. behave naman sya the whole time, though di sya mapakali sa upuan, at nakatayo lang sya dun sa may luhuran.
Consecration na so naka kneel na kami. I was holding her, tapos sya, nakatayo pa din sa tabi ko sa luhuran.
then nadulas sya. i didnt hear a cry until, tumingin sya sakin. dun na sya umiyak ng malakas, nakakahiya kasi sobrang tahimik tapo ang lakas ng iyak nya. i immediately brought her outside to check kung ok na sya. di pa din tumitigil ang iyak...she wont open her mouth.
i forced her to. when she opened her mouth, i saw BLOOD! nanghina ako...nakagat nya ang tongue nya! pina spit ko sya dun sa towel na dala ko, then tinawag ko na si jay. in the middle of consecration, para akong praning na tumakbo pabalik sa church where jay is seated, lakas pa din ng iyak ni jezka...bitbit ko sya. inaya ko na si jay na umuwi kasi nga may dugo na si jezka.

nalito ako. but jay was calm all the time. binuhat nya si jezka pauwi. kinakausap nya para ibuka ang bibig at magsalita pero hindi nya binubuka. until narinig nya ang magic word "horse"! ayun, nagsalita na din. tumigil na ng iyak...tumigil na din ang blood. there was a small cut sa may dulo ng tongue. nilagyan ko ng ice yung maliit na cut. buti naman she was cooperative na ilabas ang tongue nya at magpalagay ng ice. we prepared our things na at dadalhin sana namin sa doctor. kaso di pa man kami natatapos mag prepare at nagbibilin pa ako kay chel, nagtatakbo na ulit at nag daldal na. i called her ninang dentist kung ano bang gamot ang ibibigay ko. but she told me na baka daw di mag cooperate kasi sobrang pangit daw ng lasa ng gamot. pero since nag subside na at tama daw ang ginawa ko na nilagyan ko ng ice. ok na daw yon, it will heal on its own. true enough. maya maya pa e back to normal na ulit sya. nakahinga na din ako ng maluwag. feeling ko kasi e kapabayaan ko kasi ako ang may hawak sa kanya sa mass.

worry ko baka ayaw kumain. sinigang ang lunch namin yesterday at ang worry ko baka hindi sya kumain. tinuloy ko pa din ang sinigang kasi kung hindi nya kainin, may sugat talga sa tongue. e kaso, ang dami pa ding nakaing sinigang to think na maasim yon at baka di kayanin ng singaw. kaya siguro ok na din sya. nakakain namn sya ng maayos...di nya ininda yung singaw/sugat nya. & siguro nga gumaling na dahil nalagyan agad ng ice.

small accidents do happen, kaya kailangan talaga doble ingat. im glad & i thank God na hindi namn ganon ka grabe ang nangyari. di nga lang namin natapos ang mass. sa tv nalang namin tinapos ang mass

Wednesday, October 19, 2005 : Daddy's Girl


Our darling little girl...sabi nila carbon copy ko daw (height excluded ha!)...but she definitely got his daddy's character.
Let me count the ways...hmmm.
- mala ginger ang foot...with matching gigantic toes
- metikoloso sa gamit...lalo na sa pillows at slippers. (ayaw nila ipapa gamit sa iba!)
- maarte...in the truest sense of the word
- loves Fish!
- Jezka loves horses. Daddy loves to horseback ;)
- they indulge in COKE
- love UBE ice cream
- have that talent in "burping"
- farts when awake
- doesnt want to be interupted (lalo na when they're busy sa mga anik anik nila)
- reads the newspaper (as in! gusto nya na binabasahan sya ng newspaper)
- sharp memory
- loves to sing
- has the talent na mag lapat ng sariling lyrics sa kahit anong music
- loves to bike & wrestle
- as in parehas na parehas sila mag lakad
- healthy butts
- magaling mag reason out...ayaw patalo!
- same style ng pagpapa cute at pagpapa pansin
- appreciative (hmmm..sarap luto mommy!)
- loving, caring, sobrang malambing
- spoiled sa mommy
etc...etc....my list wont end sa dami...

Above all, both of them are heaven sent. I love them both. They are my reason for existence...my life...my source of strength & inspiration. They made ME complete.

Monday, October 17, 2005 : I'm Back!

I'm Back! After almost a month of silence...I'm back to blogging!

Daming nangyari the past few weeks. Mahirap na i document...

I'm trying to look for a new skin. So bear with me if I'll be in a quiet mode again...

I missed blogging!