naka leave ako nung friday kasi gusto ko sana makipag bonding sa may sakit na dalaga ko...
on that day din...a bad news woke me up...sabi ng maid, nanakawan daw kami ng mga damit from our drying area sa rooftop.
oh my! kinuha daw lahat ng mga damit namin na pang alis. at ang panungkit, naiwan pa sa area.
i guess male ang gumawa nito kasi puro kay hubby lang na damit ang kinuha. hindi pinatawad pati mga undershirts na plain white.
buti nalang yung mga damit ko iniwan nya...
after the incident...i was thankful pa din kasi yun lang ang nawala. siguro, God is tapping us na maging vigilant at maging alert. kaya nga pina schedule ko na kaagad ang pag kabit ng mga grills namin sa mga windows. mahirap na. ok lang mawalan ng mga damit. mahirap kung malooban.
ingat palagi...


Our first time at Enchanted Kingdom (except hubby na suki dati ng EK). At 31, it was my first trip to EK,
kaya naman di masyadong halata na excited ang beauty ko...
We arrived at 11am....kasabay namin mga nag field trip. The lines on the rides were faster pa, so we took advantage of the kiddie rides for Jezka. Fave nya kasi ang horse kaya naman naka ilang sakay sya sa
Carousel.
Next ride...the
Dinosoarus. Since konti pa lang ang tao, solo ni jezka ang 1 ride. Natuwa yata yung operator kaya mukhang napatagal ang ride. Towards the end, sya na mismo ang sumuko.
Jezka: "Mommy enough na!!! Hilo na ako!"
Since nahilo ang aming hija, pahinga muna kami sa
Train ride.
The
Roller Skater was fun! I enjoyed this ride too. Si MIL niloloko ni hubby...baka malaglag ang pustiso! hahaha!
We all thought that the Swan Lake would be an easy ride. Oha! hubby had a hard time in the pedal! hindi kasi kasya ang gigantic feet nya. Even MIL & Yaya, tagaktak din ang pawis. Buti nalang si Jezka, enjoy kasi rider lang sya :) ang Me, photographer. Buti nalang, kundi tagaktak sebo din ako!
After that exhausting ride, chow time na. Nagutom kami!
After lunch, we went to Rialto. Sayang lang at di pa daw pwede si Jezka dito, kaya stay muna sila sa labas with MIL & Yaya while Jay & I fall in line. It was a cool show din naman. I enjoyed the 3D. After that, 4D Discovery Theater naman. I didnt enjoyed it that much, though maganda ang 4D. It wasnt just what I expected. Ang tagal naming pumila...nag bayad kami ng P80, pero parang di sulit?!
Back to the Kiddie Rides kami while waiting for BIL, SIL & their son Revo. Jezka had a couple of rides at the Carousel. At 5:30PM, at last dumating na din sila. Amazing race rides sa mga kids ng Boulders, Air Pterodactyl, Stone Eggs.
Now here comes the most awaited part... Space Shuttle. This is one attraction of the theme partk na talaga namang, hindi pwedeng di sakyan. It took us 1 1/2 hours to line. It was drizzling pa. Pero after the 2 minute (na time-man ko talga sa tagal ng pinila namin) ride, sulit naman talaga! I really had a great time! Sulit ang pinila ko ng almost 2 hours para sa 2 minute ride of the Space Shuttle!
Can't believe 8pm na. Ang tagal kasi sa Space Shuttle! While the kids are tired na & resting na sa food court, the adults had a wet & wild experience at Rio Grande. Since ilang beses na si Jay don, he gave me the tip kung saan maganda umupo na di gaanong basa. True enough...konti lang ang basa namin! hehehe! SIL was really really wet! Dun kasi sya pumwesto sa "danger" seats.
Tinuloy tuloy na namin ang pagbabasa. 15 minutes nalang before EK closes, takbo kami sa Jungle Log Jam. While BIL & SIL...magpapatuyo nalang daw sa Wheel of Fate. I didnt enjoyed well sa Log Jam kasi walang seat belt. Bigla ako na chiken! hahaha!
Kainis! close na daw! Di ako naka habol sa Wheel of Fate! Can't believe na we were there at 11am, inabutan na kami ng closing pero di ko pa nasakyan lahat!? Oh well. Nag enjoy naman kami lahat....si Jay, butas ang bulsa!Dibale, next time Hon ha! Disneyland naman! hahaha!