Wednesday, June 29, 2005 : Not so Sweet Dreams

Hubby went ahead because he has an early conference call at the office. So I had my grandest time to snooze the alarm for as long as I want.

It's a little weird...just when I was about to sneak at least 10 mins sleep, I had this dream...

The setting was in a party...with friends...I think it was hubby's bday...basta gathering. I knew it was hubby's bday kasi everyone was giving him birthday wishes. When it was my turn na to give him a wish, somebody passed by our table & waved at him.

Hmp! Who is she?! Sino si Sya?! *(*&%$%#%&

The lady was a Columbian... in a sexy black dress...yung parang costume ng mga flamengo dancers...tall & slim...long wavy brown hair...di kagandahan...matangkad lang! (hehehe...defensive..syempre ako pa rin ang mas maganda noh!)
Then si hubby, stood up...went to a more quiet place & made a call.

Syempre...sumunod daw ako, at nakinig sa usapan....pero di ko malaalal yung pinagusapan nila! huhuhu. Di nya alam, I was behind him so when he turned, nagulat sya! (aha! wala na syang kawala).

"Sino sya?" ang tanong ko.
"Ha, eh...wala yun" ang napaka showbiz na sagot ni mister
"You like her? umamin ka na, narinig ko kayo" ang madrama kong sagot
"Yes" ang sagot nya (whaaaa! umamin nga!)
"You had sex with her?"
"Yes" (mas lalong whaaaa!!!!!)
"Walang hiya ha...how can you do this to me!!!!huhuhuh" with matching sampal & suntok sa dibdib ni hubby. (masakit pala ang feeling ng niloko ng asawa!)

Nagising ako sa snooze...panaginip lang pala. Makatayo na nga, at pag humirit pa ako, magka Part 2 pa ang aking not so sweet dream.

Friday, June 24, 2005 : Ang Banana Split...Bow!


Image hosted by Photobucket.com
Wala lang.....kanina ko pa iniisip. Gusto ko syang kainin! Yum Yum! Niyayaya ko si hubby (para sya ang mag bayad..hehehe) kaso di nya trip ang Banana Split.

Wednesday, June 22, 2005 : Mad Mama

Kahapon, pag uwi ko ng bahay...nag welcome si yaya saking ng:

"hay naku ate, nakarating yan sa bahay ni 'playmate'"

Uminit ang ulo ko...nagpanting ang tenga ko...umusok ang ilong ko...at parang nag shoot up ang BP ko!

You mean, nakalabas ng village ang anak ko ng di ko nalalaman?!!!! Sinong magulang ang di magagalit ng ganon?! Aber?! Syempre, tinimpi ko lang ang galit ko...
Nag bihis muna ako at direcho sa kusina para magluto...dead ma at no reaction ang drama ko. Pero sa totoo lang, gusto ko na mag wala sa inis.

Dinner time...mabuti nalang at wala pa si mister, at kung hindi, lalong magagalit yun.

Nagsimula na akong mag sermon. Mahaba-haba ang aking litanya, kaya di ko na ide-detail pa.

Na realize naman ni yaya ang pagkakamali nya...kaya tinapos ko na ang usapan.







Tuesday, June 21, 2005 : Sweetie...

Excited akong umuwi because of my pasalubong for my bebe...Nursery Rhymes Videoke with Song Book. Happy sya! I knew she will like it, kasi she really loves to sing...minsan may kasama pang dance!

The kitchen is waiting for me na...I still have to cook dinner...pero deadma muna ang pagluluto...may singing session pa kami ng bebe ko.

After the session, niluto ko na ng mabilis ang aming dinner...dali lang naman...Chopsuey, kaya in 30 minutes, dinner is ready.

While waiting for hubby, bonding muna at kulitan kami ni bebe. Nagrelax-relax sa sofa...nakitabi si bebe.
Ni hug ako ng mahigpit....kissed me ng madami (favorite nya i kiss ang eyes at nose)...then she said...

" Love you mommy ha!"

Naku, sinabi mo pa! Music to my ears!

I love you too Jezka! (very very much!) Can't imagine my life without you & daddy....








Monday, June 20, 2005 : Mighty Bond-ing

Flashback ng konti....
We celebrated Father's Day ahead (Saturday). We went to the mall, bought my bebe a new shoes, mass, dinner then grocery.
Happy Father's Day!

Nag day off si yaya...kaya nag bonding ang buong pamilya...
Ang gift ko for father's day...service deluxe sa family for one whole day!
Jezka woke us up...greet nya si daddy nya with a kiss (amoy panis na laway pa)
I got up from bed na din...late na pala :)

Naglakad lakad ng konti sa village...then went back home to prepare breakfast.

I made some french toast (inspired by the "Radical Chef"), hotdogs & hot coffee. Yum-yum! ang sarap ng breakfast...feeling sosy!
Behave ang bebe ko while mommy is doing household chores...watch lang sila ng TV ng daddy...read the newspaper...nung napagod na, nag Barney sya. Kaya I was able to finish everything with a breeze.

Now its time to prepare lunch.

I roasted 1 whole chiken (na minarinade ko na overnight). Naku, patok na patok kay Hubby. Ang bola nya: "Anong sinabi ng Andoks dito!" Syempre, tuwang tuwa naman ang beauty ko!

Hay...ang daming hugasan.

After lunch, we went to my dad's house to spend the afternoon with my family. Naku, double the ingay (dahil sa mga bata), double the gulo (dahil sa mga matatanda) at double sa kakulitan (kung pagsama-samahin lahat).

Ang saya...ang gulo...nakakapagod maghabol ng anak! (remember naka day off ang yaya...kaya ako ang dakilang taga habol). Tagaktak ang pawis ko....(ok lang...enjoy naman ako)

Pag uwi namin, we ate the other half of the chicken at ang pasalubong na cake ni yaya! Hay salamat, may maghugas na ng kinainan. Napagod ako ha....

Here's the sweetest of all. Sleeping time na. Si bebe, naglalambing. Gusto nya ako magpa sleep sa kanya. "Mommy only!" ang drama nya...kaya naman ang mommy...palakpak tenga! (aba, bibihira lang ito ha!) Palibhasa, super bonding kaming family yesterday kaya feel na feel din nya ang nanay nya!

Monday nanaman....4 days pa bago weekend ulit!

Wednesday, June 15, 2005 : Suhol

Isang umaga, nagmamadali na kami pumasok sa opisina...
Syempre ang batug-tugs na prinsesa, sleep pa sa kanyang bed, so ako nalang ang ki-kiss sa kanya.

ako: jezka, bye na...office na mommy. (sabay kiss) mwah!
jezka: di na! (medyo nagising at yumakap sakin...uyyy, touched ako...humahabol sakin si jezka!)
ako: (syempre, pahabol effect) bye na...office pa mommy, late na.
jezka: di na office mommy! (sabay yakap ng mahigpit)
aba...talagang palakpak ang tenga ko kasi humahabol at ang higpit ng yakap....bihira po itong mangyari kaya savour na moment!
ako: o sige na kiss mommy na...office na. uwi nalang si mommy ng chuckie (jezka's favorite choco drink)
jezka: ayaw chuckie...di na! (yakap ulit!)
ako: ha? ayaw mo ng chuckie? e ano nalang?
jezka: stick -O lang!
ako: ah..OK stick-O nalang. o sige, office na mommy?
jezka: sige, bye! (sabay talikod at natulog ulit)

Nyek! kala ko pa naman humahabol at ayaw akong papasukin. Yun pala, hinihintay lang ang suhol na stick-o!

Tuesday, June 14, 2005 : Pasaway!

Yan...ganyan po kami, kaya ang aking asawa, bata pa e pumuputi na ang buhok....

Sabi nila, there is no such thing as a perfect human being. Siguro nga, kasi kung walang flaws ang bawat isa, hindi na exciting ang buhay. Nai-relate ko lang ang aking mahal na esposo.

Masungit po sya pero mababaw lang. Kung baga, madaling lumaki ang butas ng ilong pero madali lang naman din lumiit ito pag wala na ang inis nya. (hehehe...peace hon!) Siguro dahil likas na trait ito ng isang Cancer (my mom is also a Cancer). Sa ilang taong naming pagsasama, napansin ko na sya ang taong napakasarap asarin kasi madali syang mainis. (malamang pag nabasa nya ito, magagalit yon kasi ichinismis ko nanaman sya!). At dahil dakila akong mang iinis, tuwang tuwa akong asarin sya. Pero in fairness, wala pang isang saglit, wala na din ang galit at inis nya. Yun naman siguro ang kabaligtaran namin...Madali lumiit ang butas ng ilong nya...ako naman, sangkatutak na pag amo at lambing bago humupa ang galit ko.

Anyway...di po ako ang topic dito...

Kung gano sya ka-sungit, ganon din sya ka-kulit. Talaga namang may hirit sya na simple lang pero halos maiyak ako sa kakatawa. Sya rin minsan ang source ng aking pag la-laughing trip minsan, tuwing maaalala ko ang mga hirit nya. Serious naman sya sa pag k-kwento pero bigla nalang akong tatawa. Sigruo dahil mababaw lang ako? (Sinabi nang di ako ang topic eh....)

Maraming nagkakamali na suplado sya...pero yan po ay intriga lamang :) Kung sabagay, may reason naman kung bakit lagi sya masungit....kasi isa po akong PASAWAY...samahan pa ng ka-tandem kong anak, isama na rin ang yaya nya na isa pa ring pasaway, e talaga namang puputi ang buhok nya pati na rin buhok sa kili-kili.

Pero kahit laging nakakunot ang noo nya dahil saming mga pasaway, LOVE na LOVE nya kami.

Na kahit magkandarapa sya para habulin ang panonood ng basketball game ng Phils-Iran, napakamot nalang nung madatnan nyang Barney ang palabas! At nung ma-uto na ang anak para makasingit sa TV, biglang kumidlat at nag sign off ang cable! (kamalas na tao nga naman).

Na kahit laging nagkukulang ng 20, 50, 100 ang wallet nya, OKs lang kasi bigla din kaming mawawala upang bumili ng ice cream sa kanto.

Na kahit ako ang Finance Manager ng aming tahanan, sya pa din ang COO, na mag aaprove ng budget :)

Na kahit sa Maxwear lang ang T-shirt nya, basta may bagong bike ang Jezka at bagong bag si ako, Oks na din.

Na kahit magka away kami, isa lang ang pang suhol nya....mag mall at mag shopping...syempre, sya ang taya.

Wala syang sinisecret sa akin. Kahit lahat ng sweldo at bonuses, direcho sa aking mga palad! Kaya naman akala nya e botomless din ang pag refill ng allowance. tsk...tsk...tsk..(ako naman ang kakamot sa ulo!)

Hay naku, madami pa yan....di ko na iisa-isahin pa at baka lumaki naman ang ulo...hmmm....

Napapa smile lang ako....

Kasi kahit di sya ma-sorpresang tao (hanggang ngayon kasi kinukulit ko sya na: "Hon....i-surprise mo naman ako pag bday ko!?!"). Kahit 2x pa lang nya ako nabigyan ng flowers (magka-away pa kami non at pang suhol lang nya ang flowers), kahit once in a blue moon lang nya ako nabigyan ng card (na wala man lang message, pumirma lang sya), e di ko yan ipagpapalit kahit sa kung sino, kahit gano pa ka gwapo at kagara ng kotse! I would still marry the same person, kahit paulit ulit pa (aba masarap yata ikasal at maging bride!).

Bakit ba inspired akong sumulat about my hubby? Wala lang...meron lang akong gustong shoes! hahaha! Ok, serious na po. Wala lang...naalala ko lang yung eksena nung isang gabi...
"Hon, teka, yung cellphone!"
Kung ano man yon....secret po! *wink*

Hindi, eto totoo na...lapit na kasi ng Father's Day. (ito na ang gift ko sa kanya...hehehe)
Advanced Happy Father's Day! You have always been a good dad to Jezka. Lahat ng ikakabuti nya ang lagi mong iniisip. We are so lucky kasi ikaw ang binigay ni Lord para maging aking hubby at Jezka's Daddy!

(ahhh...ehh....yung shoes ha....pati na din yung rubber shoes ni Jezka...next week nalang, isabay na natin after ng grocery?)


Thursday, June 09, 2005 : My Family


Image hosted by Photobucket.com



Meet my family...



My life, my source of inspiration...with God in the core of our bond.



 

Friday, June 03, 2005 : TGIF

Thank God It's Friday!

Friday na naman....Yahoooo!
Iba talaga ang mood pag Friday....hmmm...parang lahat nakakatamad.
Naririnig mo na ba ang mga New Wave songs. Naku, hit na hit yan pag Friday. Setting in na for gimmick mode after office.

Ano ba ang date mamaya? For sure, rarampa nanaman ako ng makati. Sabi kasi ni hubby, dapat daw e lagi akong pumapasyal ng makati para di ako lost don (true! lost po ako don....kasi naman since I started working, Ortigas girl na talaga ako noh!). Di ko lang sure kung inuuto lang ako ni hubby para sya ang sunduin ko at para di makapag MRT. Hmmm...pansin ko nga.