Na miss nyo ba ako? Oh well...ako na miss ko ang blog!
Pano naman kaya e sobrang daming work ang beauty ko ngayon kaya naman di ko na ito ma update. My loooong time plan to change skin e aabutin na yata ng taon bago mangyari dahil di ko talaga magawa pa up to now. Hah! enough! Ayoko na muna isipin na madami pa akong "To-Do's" ...break muna ako.
Syempre sino pa ba naman ang topic ng aking blog kundi ang makulet kong anak...
Ano nga ba ang latest...
- 3 yrs old na sya nung December 29.
- Dina-diet ko sya sa milk...kasi naman parang may gripo ang bibig non kapag naka inom ng milk...hobby na yata nya ang gawing tubig ang gatas. Kaya naman sobrang laki na nya. Ayoko namang maging tabachoy ang anak ko...kaya diyeta muna anak! (susmaryosep...pagkatapos mag milk...kakain pa yang ng kanin at ulam!)
- Di ko pa din maawat sa pag diaper sa gabi (in fairness, sa gabi nalang sya talga nag d-diaper). Kasi naman, tamad akong mapuyat...kaya hayaan nalang sya naka diaper...magsasawa din yan!
- Ang favorite nyang song ngayon " Suwasalamit ka..." from the song "Ama Namin" (The Lord's Prayer)
- Sya lang halos ang naka ubos ng bday cake na ginawa ko nung bday nya! (may kaagaw na talaga ako sa keyk!)
- pag umupo sya sa lap ko...di mo na ako makikita! (imagine mo nalang!)
- isa syang BOOK WORM. She loves Books...pero hates Worms! (yan ang panakot namin sa kanya pag ayaw mag toothbrush...tutubuan ng worm! hahaha! so far effective naman)
- tiklop pa din sa sa "face the wall" di na nga lang sya iiyak at paninindigan nya ang pag face the wall nya. kami nalang ang sumusuko kasi kahabag habag naman kung 15 minutes na syang naka face the wall. in fairness, nag so-sorry naman sya at pag tinanong namin kung bakit kami nagalit, alam nya ang isasagot nya "e kasi makulit ako eh!"
- kahit 1am na ng gabi, at antok na antok na ako...hindi yan matutulog kunghindi ko babasahin yung 9 booklets nya ng fairy books. (sasakalin ko talaga ang kapatid ko sa pag bigay kay Jezka non!) hindi mo sya maloloko...kailngan 9 lahat ang babasahin ko! kaya kahit ako, memorize ko na din ang book
- may nagbigay sa kanya ng book na may 3D pictures. kaya may kasama itong parang shades. nung minsan, inis na inis...umiyak kasi nalalaglag ang shades. Ang sabi ko sa kanya "E kasi naman anak, walang kakapitan yung shades! (may kapanguan kasi ng Konti ang ilong nya!)
- she loves Horses! mabuti pa ang apo ni GMA may bagong kabayo...sana mabilhan ko din ang anak ko ng ganon! WISH!
- kapag tinatawagan ko sya ng lunch time...ang sasabihin nya "bye na mommy...dora na!" (ipag palit ba ang nanay kay Dora?!)
- kapag nakita nyang naliligo ako..."mommy alis tayo? punta ng doctor? tapos punta kay papa jesus? tapos sakay ng horse?"
- isa syang mang aasar. ang favorite nya laging iniinis e ang daddy nya! pag dumating na ang daddy nya, hala 200% ang kaartehan.
aba, mahaba na pala ang listahan...next blog naman...masyado akong sinipag! hehehe...halata bang na miss ko nga mag blog?