Wednesday, April 26, 2006 : Girl talk - kwentong bra

Note:
I refrain from dressing up or even taking a bath with my daughter for the basic reason that I dont want her yet to be confused with human anatomy. At her age, she's starting to compare na her body with an adult...

Last night after I took a shower. Jezka insisted to go to our room while I dress up. Di ko mauto to leave the room, so I dressed up carefully...with a towel on, so she wont be seeing me naked.

Jezka: Ang laki ng d_d_ mo...
Me: Ha? (hiyang-hiya) Bakit mo naman nasabi yan?
Jezka: E kasi ang laki ng bra mo, oh...(pointing to the bra that I placed in the hamper)

Dead ma lang. Tuloy pa din ako magbihis....

Jezka: Bakit wala ka bra?
Me: E kasi sleep na tayo diba...pag sleep na, di na nag b-bra si mommy...
Jezka: Pag nag s-school ba ko, may bra?
Me: HA?

Sige nga...paki sagot?

Friday, April 21, 2006 : Big girl na ko!

Big girl na nga talaga ang baby ko. di na maawat...ako naman e natutuwa kasi pag umuuwi ako, nagugulat nalang ako at unti unti na syang nagiging "bata" talaga. just this week nga yung nalaman ko na marunong na sya magpunta sa toilet magisa. One night kasi nag sabi sya..."iihi ako" . Bino broadcast pa din nya...pero pumupunta na sya sa toilet. sa may pinto, dun sya maghuhubad ng panty, tapos mag isa syang uupo sa toilet bowl. Nung gabing yon, nag sabi sya ng "ihi ako" ako naman, aakayin ko sana sya sa toilet, pero sabi ni yaya, "ate, marunong na sya...tignan mo" true enough! marunong nga. Pag tapos na sya mag wiwi or pupu, sisigaw nalng sya para sabihin tapos na sya, wash na sya. Pero ang nakakatuwa, pati pag wa-wash, gusto nya sya na din. E di pa naman talga nya kaya.

Tuwing magbibihis ng damit, naku, away yan kasi gusto nya sya na...pati pag powder at cologne. Matatawa ka kasi diba chubby sya...hirap pa din sya mag balance eh. Kaya pag nag pa-panty or nag susoot ng shorts, hawak pa namin sa arm kasi matutumba.

Sa phone, sya ang aming operator. Pero asahan mo, pag Dora, Hi-5 or mga favorite nyang cartoons, eto ang linya namin:

Mommy: Hello Jezka!
Jezka: Hello Mommy!
Mommy: How are you?
Jezka: I'm fine thank you...bibili ba si mommy ng Chuckie?
Ay, Dora na na...kay ate muna?
Mommy: Jezka muna...kasi miss na ni mommy si Jezka eh
Jezka: Ahhh...kasi d-dance na ko eh (ginagaya nya kasi yung mga nag d-dance sa Hi-5 at yung dance ni Dora)
Mommy: Ayaw mo ba kausap si mommy?
Jezka: Oh...kausap na nga eh, diba?
Mommy: O sige na nga...OK Bye!
Jezka Ok bye...i love you...take care...see you around..mwah...bibili si mommy ng chukie ha!

May "say" na din sya sa mga damit nya. Nung minsan, magsisimba kami, dress ang ipapasoot ko. Aba, gusto ba naman mag rubber shoes! Naku, nag aaway talga kami..naawat ko lang nung sinabi kong may worm yung rubber shoes nya at papa alis pa namin kay ate.
pero ang hirit: "Pero mag sh-shoes si jezka pag wala na worm ha!"

Nakakatuwa at nakakaloka. marunong na kasi nila i defend ang sarili eh...kaya nangangatwiran na.
Mommy: Baho mo na!
Jezka: Nag sh-shower na nga ah
Mommy: Ang kulit mo!
Jezka: HIndi naman eh...
Mommy: E ano lang?
Jezka: Pretty lang...tsaka bango...tsaka good girl...tsaka smart!

Hay...mga bata talaga...nakakainis pag makulit...pero talagang nakakawala ng pagod.