Tuesday, June 14, 2005 :
Pasaway!
Yan...ganyan po kami, kaya ang aking asawa, bata pa e pumuputi na ang buhok....Sabi nila, there is no such thing as a perfect human being. Siguro nga, kasi kung walang flaws ang bawat isa, hindi na exciting ang buhay. Nai-relate ko lang ang aking mahal na esposo.Masungit po sya pero mababaw lang. Kung baga, madaling lumaki ang butas ng ilong pero madali lang naman din lumiit ito pag wala na ang inis nya. (hehehe...peace hon!) Siguro dahil likas na trait ito ng isang Cancer (my mom is also a Cancer). Sa ilang taong naming pagsasama, napansin ko na sya ang taong napakasarap asarin kasi madali syang mainis. (malamang pag nabasa nya ito, magagalit yon kasi ichinismis ko nanaman sya!). At dahil dakila akong mang iinis, tuwang tuwa akong asarin sya. Pero in fairness, wala pang isang saglit, wala na din ang galit at inis nya. Yun naman siguro ang kabaligtaran namin...Madali lumiit ang butas ng ilong nya...ako naman, sangkatutak na pag amo at lambing bago humupa ang galit ko. Anyway...di po ako ang topic dito...Kung gano sya ka-sungit, ganon din sya ka-kulit. Talaga namang may hirit sya na simple lang pero halos maiyak ako sa kakatawa. Sya rin minsan ang source ng aking pag la-laughing trip minsan, tuwing maaalala ko ang mga hirit nya. Serious naman sya sa pag k-kwento pero bigla nalang akong tatawa. Sigruo dahil mababaw lang ako? (Sinabi nang di ako ang topic eh....)Maraming nagkakamali na suplado sya...pero yan po ay intriga lamang :) Kung sabagay, may reason naman kung bakit lagi sya masungit....kasi isa po akong PASAWAY...samahan pa ng ka-tandem kong anak, isama na rin ang yaya nya na isa pa ring pasaway, e talaga namang puputi ang buhok nya pati na rin buhok sa kili-kili. Pero kahit laging nakakunot ang noo nya dahil saming mga pasaway, LOVE na LOVE nya kami. Na kahit magkandarapa sya para habulin ang panonood ng basketball game ng Phils-Iran, napakamot nalang nung madatnan nyang Barney ang palabas! At nung ma-uto na ang anak para makasingit sa TV, biglang kumidlat at nag sign off ang cable! (kamalas na tao nga naman).Na kahit laging nagkukulang ng 20, 50, 100 ang wallet nya, OKs lang kasi bigla din kaming mawawala upang bumili ng ice cream sa kanto. Na kahit ako ang Finance Manager ng aming tahanan, sya pa din ang COO, na mag aaprove ng budget :)Na kahit sa Maxwear lang ang T-shirt nya, basta may bagong bike ang Jezka at bagong bag si ako, Oks na din. Na kahit magka away kami, isa lang ang pang suhol nya....mag mall at mag shopping...syempre, sya ang taya.Wala syang sinisecret sa akin. Kahit lahat ng sweldo at bonuses, direcho sa aking mga palad! Kaya naman akala nya e botomless din ang pag refill ng allowance. tsk...tsk...tsk..(ako naman ang kakamot sa ulo!)Hay naku, madami pa yan....di ko na iisa-isahin pa at baka lumaki naman ang ulo...hmmm....Napapa smile lang ako....Kasi kahit di sya ma-sorpresang tao (hanggang ngayon kasi kinukulit ko sya na: "Hon....i-surprise mo naman ako pag bday ko!?!"). Kahit 2x pa lang nya ako nabigyan ng flowers (magka-away pa kami non at pang suhol lang nya ang flowers), kahit once in a blue moon lang nya ako nabigyan ng card (na wala man lang message, pumirma lang sya), e di ko yan ipagpapalit kahit sa kung sino, kahit gano pa ka gwapo at kagara ng kotse! I would still marry the same person, kahit paulit ulit pa (aba masarap yata ikasal at maging bride!). Bakit ba inspired akong sumulat about my hubby? Wala lang...meron lang akong gustong shoes! hahaha! Ok, serious na po. Wala lang...naalala ko lang yung eksena nung isang gabi..."Hon, teka, yung cellphone!" Kung ano man yon....secret po! *wink*Hindi, eto totoo na...lapit na kasi ng Father's Day. (ito na ang gift ko sa kanya...hehehe)Advanced Happy Father's Day! You have always been a good dad to Jezka. Lahat ng ikakabuti nya ang lagi mong iniisip. We are so lucky kasi ikaw ang binigay ni Lord para maging aking hubby at Jezka's Daddy! (ahhh...ehh....yung shoes ha....pati na din yung rubber shoes ni Jezka...next week nalang, isabay na natin after ng grocery?)