Tuesday, July 26, 2005 : Happy Birthday Honey!

Matagal na akong nag iisip kung ano ba ang pwede kong gawin sa bday ni hubby. Unang una, wla akong budget (tsk..tsk..tsk..) pano kaya mag plan kung wlang pang plan? sa totoo lang, di ko kaya pantayan yung gift nya sakin nung bday ko. kaya service deluxe nalang ang pwede kong gawin.

We're suppose to take vacation leave sana, kaso may important conference call sila sa office kaya hindi pwede mag leave. He just took the 6am-2pm shift para makauwi ng maaga. Ako nalang ang nag leave ng July 21-22 (swerte pa kasi non-working holiday ang July 25, so tumataginting na 5 days vacation)

I woke up early kasi nga maagang umalis si hubby...Ni greet ko sya ng Happy Birthday! At nag sorry kasi wala akong gift. OK lang naman daw...naks! (pero deep inside..."nag kuripot nanaman ang asawa ko")
Pag alis nya, i prepared na yung mga gagamitin ko. I wrapped his gifts & prepared na sa kitchen.
I baked a special super moist choco cake na hinalungkat ko pa ang recipe sam files ng mommy ko. Ang Jezka ko, di pa man natatapos akong mag bake, naka dut dot na sa ginagawa ko. I gave her a piece (yung cake mismo) tapos pinapak ang frosting kasi sarap daw yung marshmallow na ni dip sa choco frosting. I used APC para isulat ang "happy birthday, daddy!" tapos pinalibutan ko ng marshmallow. Success!

Next, gumawa ako ng gelatin with marshmallow pa din (di naman halatang fave ni jezka ang marshmallows).

Malapit na mag lunch...quick lunch muna at malapit na umuwi ang daddy, marami pa akong gagawin.

Nag set up ako ng banner. I printed Happy Birthday daddy, one letter per page. Tapos per page, andon yung mga bday wishes namin for him. ( o diba! may car don, travel, laptop etc....i gave him all his wishes na walang ginastos! :)
Tapos, pina color ko kay Jezka per page...para mas personalized. May blooper pa. Sa pagmamadali, wrong spelling pa ang BIRTHDAY! hehehe...kakahiya. Si Jay pa ang naka pansin! E picture ako ng picture, di ko napansin!
Then, nag pump kami ng air sa ballons na binili ko at ikinabit namin sa may banner. Ayan, tapos na ang banner.

Last kong ginawa i yung pansit, para mainit init pa pag dating nya.

I took a bath...set up the table...prepared Iced Tea.

Sakto lang ang pag dating nya. Pag pasok nya ng pinto, nagulat sya sa set up! Di daw nya inexpect na ganon ang gagawin ko. though alam nya na magluluto ako, pero di nya akalin na may ganon pang set up.

We gave our gift. It's a Daily Prayer Book. Maganda sya, everyday prayer sya...meron prayers for a wife, husband, family, sick, before making decisions, at meron pang novena sa mga saints. Tapos, meron ding Holy Family image na ilalagay nya sa table nya. Tapos, I gave him a Massage Oil kasi mahilig sya magpamasahe (ako lang ang tamad mag masahe).

Kainan na..at picture taking! ayan busog na kami. lakad lakad ng konti (kasi bondat kami) tapos bumili si hubby ng ice cream!
Pag uwi namin, naku start na ng massage....ayan full service deluxe. Naku, tagaktak ang pawis ko...mahirap pala mag masahe ano?

Tapos, dinner na...kain na naman! Bondat nanaman.

Happy ako kasi super na appreciate nya ang aking ginawa for him. Lahat yun labor of love. Ang saya daw ng birthday nya at feel na feel nya ang love namin for him. :)

Yun lang po ang aming celebration. OO, Pagod ako...pero nung nakita ako ang smile nya...lahat nawala. Kasi kahit gano pala ka simple ang isang bagay, basta mula sa puso at ginawa yun ng may pagmamahal, nagiging espesyal :) Thank you hon for appreciating my effort. Next year, babawi nalang ako ng gift next year ha!