Friday, August 05, 2005 : "alawig-pong-pong"


O wag na magtanong ha...kasi nung una di din namin alam ang ibig sabihin nyan, until this morning.

Flashback ng konti...
This phrase (ng kung anong language) suddenly came out from jezka's lips. Expression baga! Nagulat din kami kasi we've never heard of such phrase....sa kanya lang talaga. I asked the yaya kung san nya napulot yun, pero di din daw nya alam...basta nalang daw sinabi.

So...hinayaan nalang. Kung ano man ang ibig sabihin non, dead ma nalang kami...hoping na di naman magic spell ng kung ano yun.

Anyway...

Just this morning, my cellphone shut off dahil drained na ang battery. When I re-charged & turned it on, nag flash ang NOKIA...sabay rinig ng "alawig-pong-pong"

Ay sos! dun pala nya nakuha yon! Ay siya!