I just heard Martin's "Christmas wont be the same without you"... "Ber" na nga pala...
Anjan na ang simoy ng pasko.
Ano na nga ba ang tunay na kahulugan ng Pasko?
1. Masaya ang mga bata sa mga regalong laruan at damit
2. Isang libo't isang christmas party
3. Reunion
4. Exchange gifts
5. Nag lalakihan at nag gagandahang mga parol at xmas tree
6. Walang humpay na shopping
7. Hide and seek ng mga ninong at inaanak
8. Mahabang bakasyon
9. Masaganang pagkain sa noche buena
Pero ano nga ba ang Pasko?
1. Para sa mga street children
2. Sa mga pamilyang nakatira sa barong barong...na itinutulog nalang ang noche buena
3. Sa mga may sakit
4. Sa mga nangungulilang OFW
5. Sa mga nawalan ng mahal sa buhay
6. Sa mga naghihirap
7. Sa mga walang trabaho
8. Sa mga pamilyang watak watak
9. Sa magulo at masalimuot na pulitika
Ano man ang sitwasyon...wag sana nating kalimutan ang tunay na dahilan kung bakit may Pasko.