Monday, December 19, 2005 : Barney's Musical Castle

We had a family date with Barney last Saturday sa Araneta.

First time ni Jezka manood ng isang live show kaya naman excited din pati ang mga loving peyrents. Maaga kaming umalis ng bahay (10:30am) dahil may balak-balak muna sana kaming mag ikot at mag lunch sa gateway. Ngunit sa lagi namang inaasahang sitwasyon, TRAFFIC!! Kaya naman ang balak naming mag lunch sa Gateway e nauwi sa isang mabilisang meryenda sa loob nalang ng Araneta dahil dumating kami ilang minuto nalang bago mag show.

Hindi pa nag iinit ang mga pwet namin sa upuan, ang kay Jezka nag init na! Biglang nanahimik...alam ko na ang ibig sabihin. Sus ko pong bata ire! Malapit na magsimula e kumulo pa ang tyan! Takbo kami sa CR, dali-dali at baka abutan! Ang anak ko talaga, nag iwan pa ng souvenir sa Araneta! Ilang minuto pa e nagsimula na ang show. (naka abot naman kami)

Kung napanood nyo na ang Musical Castle na VCD...plakadong plakado! Sobrang tipid ng mga props...yung mga "suppose to be" kids e dalaga at binata na. Yung isang girl pa nga e may boobs na! Sana kahit payagan lang nila na magka picture taking kay Barney, masasabi kong kahil papano e nasulit ang binayad namin. Kung iisipin ko na halos P3,000 ang ginugol namin para sa isang oras na show, masakit sa bulsa. Ngunit nung makita kong nag eenjoy ang anak ko, hindi na din ako nanghinayang. Ang importante, happy sya at nag enjoy sya. Walang katumbas na pera yung nakita naming tuwa sa mga mata nya. At talaga namang nag enjoy ang anak ko kasi hanggang pag uwi e kinukwento nya si Barney.