Thursday, December 08, 2005 : Fears...

Just came from Robinsons Galleria to check on some sale items. My way back to the office should only be a 5 minute FX ride, but in that very short span of time ang layo na ng narating ko.

Sa FX na sinasakyan ko, may sumakay na old woman...around 75 with Osteoporosis. I was a bit wondering how come she can manage to commute pa at her age. Sobra lang akong naawa. She was seated beside me.

Me: Lola, dito na po kayo kasi baka mauna akong bumaba.
Lola: Hinde iha, sa ADB lang ako
Me: Dapat po may kasama kayo...
Hindi na kumibo si Lola. Bumaba na sya sa may ADB. (ano kaya ang gagawin nya sa ADB?)

As the FX driver makes his turn, nag fast forward din ako....

I imagined myself at the age of 75...pano kung ganon ako?

Its so sad to think & fear for the day na when I get old, no one is there to guide me or take care of me. The other woman seated on my left spoke to me:

Woman: Mahirap ang walang anak....masakit pag walang mag aalaga pag tanda.
Me: Mas masakit po yung may naturingan kang anak pero hindi man lang maalagaan ang magulang pag tumanda.

I heard myself very well. Bigla akong natakot. Parang ayokong tumanda na alagain at magiging pahirap sa anak...

I can still imagine her walking along the busy street of ADB avenue...her face...her lavander skirt...her floral blouse...a big blue bag...big black umbrella. San na kaya sya ngayon? Sana may tumulong sa kanya sa pag tawid.

That 5-minute ride was full of realization. I've learned to appreciate what I have & how productive I can be.