Monday, May 22, 2006 : May estudyante na ako!

By June of this year, meron na akong Nursery!
Mabilis lumipas ang panahon...meron na akong estudyante...
ilang panahon pa e elementary na sya....
highschool...
college...

In-enroll namin sya sa nursery dito sa school sa tapat namin. wala na gastos sa pamansahe.
kaya naman for the remaining 3 weeks bago magpasukan, inenroll din namin sya sa playschool. actually, pre school din sya...
kaso mo, ang mahal ng bayad eh...43K ba naman ang isang taon. e OK naman talaga at mga nag masters pa ng bahavioral science ang mga teachers...kaso no way ang 43K for a nursery. kaya ang inavail ko nalang e yung 1,500 for 3 weeks. Bale playschool sya at activity center for toddlers at pre schoolers. Pang warm up lang ba kay jezka at baka naman mabigla pag nag actual schooling na.

anyway...

let's see kung pano kami sa pasukan...ang hirap gisingin ng batang ito...pero kanina, excited yata mag play sa playschool kaya 6am pa lang e gising na.

kahapon, tinuturuan kong mag sulat...

Me: Jezka! magsulat ka na! (as in wala yata akong pasensya mag turo!)
Jezka: NO-NO!
Me: Magsulat ka na!
Jezka: Sino may sabi?!
@^#*$&^#&GRRRRR!

naku, ang worry ko e baka matuyuan ng dugo ang teacher nya.