Grabe ang damage ni Milenyo.
Despite the heavy rain on a Thursday morning, I insisted to go to work because of a report na kailangang I submit. I went to work early kasi nga balak kong umuwi before 12 dahil sabi sa news, the storm will hit manila by noon. So mega pasok pa ako. At 10am, totally brown out na at di na gumagana ang emergency power sa office. So I left the office at 11am. The mall was still open, nakuha ko pang mag shopping ng konti dahil nga bday ng mga nephews ko ng Sunday & we are going to attend pa a birthday party of my inaanak ng Saturday. Left SM at 12:30. Naisip ko pa sana na mag grocery ng konting stock, buti nalang: 1. wala na akong pera 2. nagmamadali na ako 3. may konti pa akong stock ng food sa bahay.
Ayan na ang bagyo! Sa C5, nagkalat ang mga puno, mga sanga, mga flying yero. Sa Southbound lane, may puno at posteng nakaharang sa kalsada. Sa may intersection, may isang punong naka harang. Northbound lane, may billboard na bumagsak. Bigla kong naisip, buti nalang di ko na dinagdagan ang bitbit ko.
Pag baba ko ng FX (imagine nyong bitbit ko ang plastic ng mga regalo...ang bag ko at isang malaking payong na di ko na magamit dahil nasira na din), super lakas ng hangin. Walang tricyle! Sige, sugurin na ang ulan at maki silong kay Jollibee. Feeling ko dina matatapos ito. Tutal, I'm soaked na rin naman upto the undies, kaya kinareer ko na din ang paglalakad hanggang sa makasakay ng tricycle.
Finally I'm home. No electricity. No phone. And the saddest part of all, no WATER. Dina kinaya ng genset ang pag pump ng tubig kaya dina umabot si Nawasa sa aming mga gripo. (How pathetic!!!) Di man lang kami nakapag save ng tubig dahil nga lakas ng hangin. Nilipad ang bubong ng drying area namin sa rooftop kaya madumi lahat ng damit namin. Yung iba kung san san namin napulot dahil nilipad na din.
Friday pumasok akong walang ligo! Atut! Mega ipon na at igib naman ang maid, kasama si bulinggit (kasi wala naman maiiwan sa bahay kaya bitbit pati si bulinggit) Buti nalang at nagka kuryente na ng Friday night. Sa wakes! Ang sarap maligo at mag shampoo! Whoha!!!
Saturday, laba kami to the max ng mga nadumihang damit. Tinulungan ko na ang maid kasi paltos na ang kamay sa pag igib (tsk tsk tsk kawawa naman), tambak pa ang labahan na grabe talaga ang dumi. Tanghali na kami natapos kaya di na din kami nakapunta sa bday party ni anaanak dahil pagod na din lahat. (Sorry talaga mare ha...dalin ko later sa office nyo yung gift.)
Back to normal na din naman halos lahat. Pero samin, ang PLDT e wala pa din.
Oh well, yan ang iniwan ni Milenyo. It took him just hours to devastate Luzon. At ang damage, siguro it would take a couple of weeks pa before we can finally say "we're back to normal".