Wednesday, May 09, 2007 : And the gender is...

It's a GIRL!

I had my 2D ultrasound yesterday to check on the baby & to know the gender na din.

Hon was with me...nag undertime because mas excited pa sya sakin to confirm the gender.

The moment of truth...the OB-Sono said "300% GIRL! Eto ang legs nya...naka tihaya...at eto ang line. Super likot na baby Girl!"

Napakamot sa ulo ang daddy...pero naka smile pa din :)

While waiting for the official results, parang windang pa din ang daddy...

Daddy: Di bale, i e-enroll ko nalang silang mag-ate sa Karate, tsaka may mga pinsan naman sila na mag babantay sa kanila
Me: E pano kung GF pala ng pinsan ang isa sa mga friends ng anak mo? E di naisahan ka na?
Daddy: Hindi pwede yan...di sila makakalusot sakin dahil gawain ko na yan! Iniisip pa lang nila e alam ko na (aba parang threatened ang daddy?!)
Me: 2 na pala pag iipunan natin ng pang Debut ano?
Daddy: Oo nga ano? dapat pala doble kayod. At least di na ako gagastos sa mga kasal nila! Kaya dapat lang e matino ang mapang asawa nila.
Me: At hindi magpapa buntis!
Daddy: Di bale...sa iba nalang ako babawi ng BOY!

Seems like, kami ang na pressure at bigla kaming nag fast forward?

Wala lang! Basta Happy pa din kami. Most of all, wagi si Jezka because eversince, she wanted a baby sister.

Hmmm...ano kaya kung mag try ulit after 3 yrs? Kaya pa kaya? Malamang e kalbo na si Hon!